Lunes, Setyembre 28, 2015

ANG AKING TROPA



ANG AKING TROPA


Walang makakapigil sa aming samahan
Sapagkat kami nagdadamayan
Sa bawat problema at pagsubok
Asahan mong tropa mo'y
Laging nakatutok

Bawat ngiti at lungkot
Maginhawa man o masalimuot
Tropang samahan
Ay tunay na kaligayahan
Hanggang sa magpakailanman

Pagmamahal nila'y aking dama
Kahit saan ka man magpunta
Mapa China man o California
Samahan ay walang malilimutan
Basta't lagi silang nandyan

Kahit kami'y paiba-iba
Basta't komportable kami sa isa't-isa
Walang hadlang sa aming samahan
Basta't tropa ko'y aking kaligayahan
Iyan ang masasabi kong tunay na kaibigan!



Biyernes, Setyembre 18, 2015

ANG AKING PAARALAN


        

Ang Aking Paaralan

Isang lugar kung saan ako natututo. Isang lugar kung saan may nakilala akong iba't-ibang tao. Isang lugar kung saan nagiging masaya ako. Isang lugar kung saan nakita ko ang pangalawang magulang ko at isang lugar kung saan natagpuan ko ang pangawalan tahanan ko. Ito'y matatagpuan sa Lingsat San Fernando La Union. 

Ang aking paaralan ay lubos kong ipinagmamalaki dahil sa napakagandang tanawin nito at magandang pakikitungo ng mga guro sa mga estudyante. Kaya naman ang kabataan ngayon dito sa aming lugar ay maraming gustong pumasok sa paaralan na ito. Marami ding masasayang aktibidad ang nagaganap sa loob ng eskwelahan kung saan maraming estudyanteng enjoy na enjoy at hindi lang iyan marami din exciting na pwedeng mangyari dito sa loob mismo ng paaralan kung saan may iba't-ibang event na pwedeng makita mo ang iyong paboritong singer at banda tulad na lamang pagpunta ni Jireh Lim at ang sikat na bandang Parokya ni Edgar. Marami ka ding makikitang mga talentadong estudyanteng na talagang mapapamangha ka sa galing nila at ang mas maganda pa ay pati mga guro din! Hindi lang sila puro pagtuturo ng mga lesson kundi may tinatago din silang galing na talaga naman mapapabilib ka. Kaya naman dito sa aking pinagmamalaking paaralan ay lubos kong pinagpapasalamat na nakapasok ako dito. Dahil sa mismong paaralan na ito ay naramdaman ko kung paano matuto sa pang-araw araw na aral hindi lamang sa mga subject kundi paano maging mabuting tao sa iba. Nang dahil sa paaralan na ito talaga namang giginhawa at sasaya ang buhay mo. Ikaw? Anong paaralan naman ang ipinagmamalaki mo?